caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Archives » 15. June 2009
Cinco Picos: Ang Prusisyon
June 15, 2009Wala pang picures. Tulog pa lahat, at ako narito sa opisina, direcho mula sa pinaggalingang tulog tambay. Tapos eto trabaho ulet.
Anu ba nangyari sa Cinco?
Una palang muntik na kaming magpunta sa Victory Cubao. Syempre kun dalawa ba naman makikipagtalo sayo na “hindi sa Cubao daw!” sasagot ka pa ba? Panu kung upakan ako nung mga yun kahit tawag nila sa ken Ate? (hehe peace Macao. Mark) ayun buti tinawagan si Nesty (nyahaha!!-amf!) at nag U-turn na kami sa EDSA. Buti nalang. Ayun intay intay sa mga kasamang dumating, at advise lang, mahal sa bus station ang kahit na anung bilihan. Mahal talaga!
So ayun, sakay nga sa bus. Feeling mo pahinga ang bus. Isang pagkakamali. Pagkasama mo sa sasakyan ang camera ni NT, mga lyrics ni Reds (lalo na pagnakayellow shirt sya-yellow kasi kurtina sa Victory), ……
***
Andito na si C2, si C2ng Magikero
nandito rin si Berto, si Bertong labandero
Dito rin si Redskie lalalalalalalala (di ko maalala yun lyrics - pinipilit ko talagang matulog pero no avail)
***
…… yun bigote ni Berto at red cap nya, ang mala-5 star hotel carpet ni C2, and green Don Facundo hat ni Mark, ang boxer shorts pangakyat ni Macao, yan, pagkasama mo yang mga yan, hindi ka talaga makakatulog. Wala pa dyan si North Face boy.Basta ayun. May eksenang pussycat dolls pa pero di ko din masyadong maintindihan kasi pinipilit ko talagang matulog kahit napakahirap - kalbaryo ba. ang alam ko lang punta daw sa beach yun mga yun.. Maganda naman yun limang gerls, pero wala lang nun nagsalita na naguluhan na ko.. Anu kaya sila, magbabarkada ba sila? San ba sila nagtratrabaho? Anu bang meron sa teddy bear na malaki at dala dala pa nya talaga. Eh seksi pa sila (OO naman aminado ako kun may nakikita akong sexy, tho yun di lahat flat ang tyan, may tig 1 month old, may 3.. mga ganun, pero seksi paren), malamang nabaliw yun mga kasama namen. Para bang may nagbukas ng humpy dumpy sa bus at lahat na-adik. Pero syempre wala nga akong alam kaya nagbabay nalang sila pagdating sa terminal sa Gapo.
Sa jeep, di namen kasabay si NT kaya nakatulog ng konti pero teka lang. May Umeksena… si Aling Perla. Muntik na kaming maipit sa tribal wars. Hindi kaya dapat nagpunta nalang kami sa bundok ni Aling Perla? Pero ayus na yun. Tulog nga ako nun narinig koboses nya, ntakot talaga ako. Sabi pa ni Mark “Baba ka ng jeep? Gusto mong ma-Cannibal Holocaust?” Ayus sa basag trip maki-usi. Pero ayos paren, nangarap nalang akong sumabit sa jeep kaya nagpapicture ako kay Mark, gamet camera nya. Ang hirap ng walang camera ah.
So paka-jump off, lakad lakad, tawid tawid lang ng ilog na kala mo everyday kong ginagawa.. eh kaso biglang umulan. hindi yun ambon na “Yey wonderful ang feeling” pero yun Ulan as in “Mabasa ka!!” Tsong walang silbi yun kapote na galeng Watsons. malang kasi 25 pesos lang sya.. pero ok narin at least natakpan ng kontng extra pa ang bag ko. Kaya pagdating sa major ilog, umuulan paren ng konti.
Gate na rin ang twag dun sa lugar na yun. Naglunch na ren kami dun, kaso pakshyet talaga, may extra amoy sa paligid, dun sa may mini beach. ok naren, Gutom na eh. At dito sa gate na ito nagsimula ang prusiyon.
Prusisyon kasi masaya.
Prusisyon dahil sa mahiwagang pito ni Reds, na kahit para sa mga walang dalang tungkod, itinataas nalang ang kamay. Eto ang ginagawa namen habang tumatawid sa ilog, sa ilalim ng araw, kung saan pwedeng maglakad ng matino at hindi mabato, at kung pwede na ulet pumito ng diredirecho.
Parang wala lang. Lakad lang ng Lakad, pahinga lakad ulet. biglang sisikat ang araw, uulan nanaman. Mag river trekking kasi yun ang daan. Parang everyday lang. Medyo naabot nanamin ang tuktok ng third peak. Malapit na.. nagsisimula nanamang umulan.. hanggang maya maya napapalibutan na kami ng hamog. Nasa Ulap na pala kami. Tatlo lang kaming magkakasabay ng panahong ito, nauna na ang talagang kasama ko. Grabe, sa ngayon hind kotalaga makakalimutan yun (syempre mamaya sa future makaencounter pa ulet ako edi nde na rare yun moment) Yun tipongpara kang nasa setting ng isang Horror na Hollywood film na korny naman pala yun storya. Talagang maganda lang yun setting, tipong ang hamog hamog, tapos may mga punong tuyot na sila, walang dahon na nasa gitna ng talahiban na hindi mo rin halos makita kasi mahamog nga. Nasa ulap na pala talaga ako.
Bukang bibig ko lang nun, para kong nasa panaginip ah. Eto naman si Paolo sabay banat.. “Parang tipong maya maya nandyan na si Lolo at Lola kumakaway ay niyayaya ako.” Waah! ikaw nalang.
Maya maya lang, nakarating na rin ng campsite.
Ayun. d end. Bukas naman kasunod mag-metrowalk lang ako, este, uuwi nako… inaantok pa talaga ako. Ibang entry naman ang campsite kasi makapagbagbag damdamin talaga yun Socials na ito, hanggang sa paguwi.
Magaling lang talaga na hindi na masakit ang katawan ko. Siguro sanay na kahit pano. O kaya nakatulong ang pagtulog ko kasama ang Akyat Kada sa bahay nina NT at Macao. Kun tutuusin kapitbahayan ko lang sila ah. mnakisiksik pa ako. wala masaya eh. Tipong paglingon mong ganyan, nasa muhka kona un paa ni Macao. Basta wala akong iniindang sakent ng katawan ngayon di tulad ng dati. magaling talaga. Iniisip ko nga baka may magic ang sahig nila sa bahay nila, o kaya naman dahil nakatabi ko si bertuchi sa lapag- yiheee. amf. Kaya pala ako sinisik sik, malikot si Jin Mark sa pagtulog. Pero basta magaling kasi balikat ko lang ang masakit.
Kelangan ko na talagang magpamasahe.


