caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Post Item » ang Impluwensya
ang Impluwensya
June 17, 2009Mamaya na ko magdag-dag ng pichures dun sa Cinco Posts ko. Lalagyan ko talaga yun. Sa ngayon di lang matanggal sa utak ko itong train of thought na ito:
Dati rati namamatay sa nose bleed at brain hemmorhage ang mga nagbabasa ng mga rhetoric (haay! deds) na wordings ko.. ngayon parang bumalik nanaman ang pagtagalize tagalog sulat ko. Epekto ba ito ng Independence Day? O impluwensya ng pagakyat kasi puro tagalog lang ang maririnig mo. Pati nga mga kanta namen nun nagdaan akyat (Care of Joel Andres Bukid) mga classic juke box king and queens, mga tipong maririnig mo lang sya tuwing linggo. Mga Sunday’s best na pinapatugtog ng nanay o tatay o tita o tito mo. Basta Luma na sya, di ko sila kilala, nasasabayan ko lang kantahin yun chorus.. (lols).
Marahil working under foreigners, nakakasawa nang magingles.. at alam mo pang nakakaasar dun? Karamihan kaya sa kanila ang babarok mag-English. Sa totoo lang. O kaya talagang mapanglait at mapangkritik lang tayong mga pinoy (lalo na sa kapwa pinoy) pag may narinig kang nagiingles. Minsan kasi iisipin mo, nagyayabang nalang. Para ganito lang minsan may makikita kang tao may kausap sa cellphone. Talaga bang may kausap sya o nagpapanggap lang syang may kausap? IInggles pa yan ng may konting bonggang slang at parang nasa trabaho pa sila (applicable sa mga nagtatrabaho sa mga call centers na may English speaking accounts).
Anyway, back to topic at hand, medyo nakakatamad mag english. Masyado kasing madrama pagnagsusulat ako in English (please refer to earlier blogs - echos mode yun). So sa ngayon nagiiwan, naglalaglag, nagbabawas ako ng mga komplikasyon sa buhay ko e.g.–> Ang pag-e-english, ang pagpunta sa mall para tumingin ng shoes at dress (iwas gastos pa), lovelife - the lack of it kaya nde complicated. Ou, mas less hassle. Ang ginagawa ko nakikinig nalang ako at nagsisilbing Call A Friend sa mga taong nakapaligid saken na nag-bibitter ocampo mode. Tulad yan ni J at B. Di ko na banggitin pangalan. Baka pabugbog pa ako. Kaya lang naiimpluwensyahan nila ako.. nararamdaman ko minsan bumabalik ang kahapon at nakaraan (ay maging redundantdaw ba). HMMMMM!! kaya napagiisip ako na wag na kayang makinig sa kanila o wag nang magsilbing Call a Friend feature sa buhay nila. Bahala na. Ibaling nalang sa ibang bagay. tutal naging successful naman ako ginawa kong iyon nung nagsimula akong umakyat.. mas naging tahimik ang buhay ko… ng konti. lagi kasi akong tawa ng tawa. Mahirap paglahat ng kasama mo ay komedyante.
Hayyy! Ewan nalang.
Ang hindi ko nalang mabawas-bawasan ay ang mga kalat sa lamesa ko dito sa office. Magulo talaga. Kahit anung ligpit ko bumabalik sila.. hindi ko na alam ang gagawin ko.O sya nagdidilim na, maglagay nako pics.
Previous Comments
hahaha! salamat po sa pagdalaw.. ito po ay lubos kong ikinagagalak. Mabuhay ka!
Posted by jnienna at June 17, 2009, 7:45 pm


powtek.. duguan nga ang ilong ko sa title at sa tagline mo pa lang e. Ehehehe. Pis! Buti naman, tagalog mode ka na… Mahina at mababaw kasi ako pagdating sa Ingles. Awts… Hehe, napapadaan-daan lang po akow sa inyong blog. At tunay na nosebleed ako sa english.
Posted by xdalisayx at June 17, 2009, 6:18 pm