caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Archives » 19. June 2009
Kwentong Kili-kili Part 2
June 19, 2009May Naisip na ako kung baket gustong gusto ng mga lalake ang mga posing na kung saan nakataas ang kamay ng mga babae (reference: 60% -malamang- ng photos sa FHM ay nakataas ang kamay ng modelo).
Napagtanto ko lang na ang pagtaas ng kamay ay sign of surrender. Man and his BIG Ego talking. What more could boost a man’s ego than seeing a beautiful woman with her hands on her top of her head, a seductive smile to boot as if saying “O Brando! Kunin mo Ako!”
::Titigilan ko na ito hanggang dito kasi dapat general patronage lang tayo::
PS.. edi feeling nya ang gwapo gwapo nya. sows.
Ang masasabi ko, Bonus na lang if ang kili-kili ng nasabing babae ay divine.
Pero take note, ibang kategorya ang artista at commercial model. Lubusang tandaan yan.
Nilay
Hindi ko alam kung matutuwa ako kay Natalie Cole o ano.
Tuwing maririnig ko ang Miss you like Crazy at Someone that I used to Love… gusto kong umiyak. UNFAIR!
Matagal kong kinondisyon ang sarili ko para makalimot, nagpanggap pang interisado sa iba.. pero isang kanta, isang pagkakataon lang na nakita ko sya ulit, para nanaman akong binuhusan ng malamig na tubig.
Bulag nga talaga ako.
Magkakape na nga lang ako. Makalayo muna sa headset ko.
Mas Madrama ang mga Lalake
Ito ang di ko maintindihan at nagiging sobrang coincidence talaga: lagi nalang akong napapaligiran ng mga lalakeng emotero. Simula pa nun kolehiyo.. karamihan ditto mga nagging crush ko, turned confidante, turned friend. Ganun ako ka-one of the boys (na malamang matagal-tagal at malabong magkabf in the near future dahil sa pattern ng aking buhay).Sila yung mga tipong A.) Mga iniwan ng mga ex at hindi pa maka-move one. Span ito ng ilang months to one year simula ng nakipagbreak o nawala ang babae sa eksena at; B) Mga in-love sa mga taong ayaw suklian ang kanilang emosyon. Example: pa-demure na “Ayokong masira ang friendship naten” O ang mas brutal na “talagang di kita type… sorry.” Nag sorry pa. Pero Typical and most common scenarios.
At Baket Kanyo?
Marahil maraming kokontra sa title ng blog ko. Ihahalimbawa pa nila ang mga babaeng humahandusay sa kalsada. Mga babaeng pagkainiwan ng boypren eh kulang ang isang drum paginipon mo ang kanyang luha. Na Tipong kulang nalang i-record nalang ang pagddrama nya kasi nun isang buwan pa nya ito linya (nakataas ang kamay ko dahil guilty ako dyan). Kaya eto. ETO mismo ang rason kung baket sinasabi kong mas madrama ang mga lalake. Dahil wala kang makikitang ganyang mga episodes mula sa kanila.. wala dahil lahat ng ito ay patago. Patago at kun may makakausap sila. Lalabas lang ang lahat ng kanilang mga nararamdaman, hindi mo pa halata kasi idinadaan sa jokes, sa pasakalye, at sa mga paraang walang kinalaman. Madalas pag direchohin mo pa ng tanong di ka pa sasagutin… Ma-pride. Hmm, hindi ako sa nanlalaglag sa mga kaibigan ko nor hindi ako nagrereklamo. I feel priviledged in fact na pinagkakatiwalaan nila ako sa mga hinaing nila, at dahil nga ako‘y itinuturing na nilang kaibigan talaga (masakit un sa una dahil crush ko nga diba, tapos kwentuhan ka ng love-life nya? Na parang gusto mong sabunutan yun gurla of his life at sabihing, “Hibang ka ba! Baket mo sya pinaiiyak, kung ako lang sana….”etc etc – theme song: Halaga ng PNE….Hay, nasanay nako dyan. Kaya ang transition from crush to tropapips.. hindi na iba sa ken. No name droppings nalang kahit walang nagbabasa ng blog ko para naman walang basagan. Hahaha!)
Pogi points
Bawas pogi points daw pag umiyak. Bawas pogi points ang pagddrama. Pero may kilala akong inuntog nya ang ulo nya sa gate ng bahay nila ng gusting makipaghiwalay ng girlfriend nya. Meron ding uminom ng isang boteng pills na pang high-blood (na-ICU lang naman sya at pinump ang tyan-awa ng Dyos, buhay pa sya ngayon). Basagan ng cellphone at PSP. Mga ganun lang, ordinaryong drama. Hindi ko alam ang mga kategorya ng mga dagdag pogi points nayan o kun anu ang pwede nilang ituring na kabaklaan (no pun intended dyan). Pero cge nga kung ang pagiyak ay menos pogi points, panu naman mailalabas ang hinanakit? Kaya mas nagiging, madrama kasi para silang beaver dam. Iniimbak lahat sa loob, kaya pagnagrelease isang bonggang bonggang pasabog – tipong inuuntog nga ang ulo sa gate. May iba pa suicidal tendency (pakshyet, panu mo ba yun naging bf in the first place?! Creepy. Kaya ako ang criteria ko mas matino saken kasi baliw na ko. Pagparehas pa kaming baliw, paanu na?)
Ano sa Tingin mo?
May sarili akong pananaw dito. Hindi ko ito nakikitang kahinaan. Ang saken lang, im proud na mga kaibigan ko sila. Tao lang na nabubuhay, nasasaktan, umiibig. Siguro ganun talaga, syempre kun sino ang naiwan sa ere, sila yun hirap humarap ng realidad. Siguro nasasabi ko ito dahl karamihan sa kaibigan kong nasa ganitong sitwasyon eh lalake.
Tamang timing din siguro na ako naman ay chill lang sa life.
Masayang kahit paminsan minsan panatag lang at walang iniindang sama ng loob…
Kaya ko siguro ito nasasabi.
(hipokrito).
Mga Nakaw na Sandali: Kwentong Kili-Kili
Absent ako kahapon. Kaya hindi ko ito naisulat.
————————————————————–
June 17 ‘09
11:59 pm (promise sakto yan)
Sa totoo lang inaantok na ako. Napakagulo pa ng aking kwarto na animong
Tanong lang. Sumagi naba sa utak mo ang mannerism na ito: ang panakaw na tingin sa kili kili ng isang babae? Di mo man aminin pero alam kong ginagawa mo nay an, at hinuhusgahan kung anu mang Makita mo. Tipong may babaeng nakasleeveless sa harap mo, kausap o kasakay mo lang sa jeep, sa sandaling magtaas ng kamay para magtali ng buhok o kumapit sa estribo, may isang segundong sasaglit ang mata mo para Makita kung anung klaseng kili-kili meron sya. At sa isang segundo nayun, madalas uulitin pa pag di nakuntento. Pasimpleng nakaw na sandali, halata naman. Oo ginawa ko nay an!
Divine: Pang artista lang
Ewan ko ba kung anu ang meron ditto. Ako tuwing makakakita ako ng napakakinis na kili-kili, siguradong naiingget ako – aminado naman akong hindi kasing kinis ng kanila ang sa aken.. Pero konting ingget lang. Nasa Ten commandments ba yung bawal maingget? Basta, konti lang ang ingget. Baket? Eto ang scenariong dahilan. Kanina, nakita ko sa Mini-Stop yun binebentang Cosmo, at nasa cover si Krisitine Hermosa na naka-classic pose: nakataas ang mga kamay, naka rest sa ulo, and her kili-kili for all to see. Hindi ko sinasabing maraming i-ne-edit sa kanya: napakagandang babae talaga nun. Pero in general, laging may i-ne-edit sina Art (isang tropa na nagtratrabaho sa publikasyon ng nasabing magasin). Di pwedeng walang i-edit. Sa lahat I think common knowledge na ito. Pero kahit ak ay isa nang graphic artist, hindi ako prepared sa aking nakitang mga before and after sa trabaho ni Art. Hayop talaga sa layo ng Raw Images from the photographer kumpara sa finish product ng nakadisplay cover. Ang mga taong tulad ni Art, kailangan ng medalya. Or pwede na rin ang tinatanggap nyang sweldo.
Mabalik tayo sa kili kili.
Talaga ngang siguro ay mapanghusga ang mga pinoy. Kumpara sa ibang lahi at sa kanilang mga kahibangan, karamihan talaga ng mga urbanized pinoy ay kinikritik ang mga kakaibang bagay na di alintana (sa totoo lang) ng mga puti. Halimbawa, pagbigkas ng tamang grammar, kun nag-sepilyo ka, may bumahing sa harap mo sabihan ka pang ‘Hindi ka naligo no?!’ at ang pagkakaron dapat ng isang divine na kili-kili.
Following the male-dictated cultural standard of beauty. NOT!
Ang mga tao hindi talaga kuntento. Pagmaputi sila, gusto nilang magpa-Tan. Pag medyo morena, gusto Pumuti. (Hindi ko sinasabing nagaayos ako ng sarili para mapansin. HINDI! Nag-mamakeup at nagaayos ako para sa sarili ko. Period. PERO.. talagang may mga nagpopostura para mapansin ng iba, makakuha ng atensyon - makakuha ng boypren.) Tulad nyan. Panu kung tulad kong hindi pinanganak na maputi? Sabay umaakyat pa ako ng bundok kaya naman talagang ako ay neg-neg na. Bahala sila, wala akong pakialam, at kung sabagay kahit kelan, wala akong paki-alam sa kulay ko. Sa totoo lang. Kahit nun may boypren pa ako (Oo nagkaron naman kahit pano, pero matagal nay un). Hindi ko alintanang mas “fair” ang kulay nya sa ken, o na mas matangos ang ilong nya. Ang hindi lang ikinapapanatag ng loob ko ay sa tuwing pinagdidiskitahan nya ang kili-kili ko. Kunot noo ako sa ilang pero mas lalo pa nya atang ikinatutuwa ito. Tinanong ko minsan kung baket at ang isinagot? Kasi daw ‘mabuhok’ daw yun kanya, kaya mangaasr pa pagminsang makalimutan kong mag-pluck. Amf ka talaga tenga (lolls hindi naman nya ito binabasa kaya ok lang. Saka bati na kami netong hinayupak na ito, kaya ok lang talaga). Ang kaadikang ito ng mga lalake ang talagang di ko maintindihan.
Minsan, magsusubok akong magsurvey.
Or Better yet- SA MGA LALAKENG NAKAPAGBASA NITO, MANGYARING MAGKOMENTO NG INYUNG OPINYON KUNG TALAGA ITO AY TOTOO O HAKAHAKA LANG NG ILAN.
Isang example lang yan. Hindi tuloy mai-alis sa utak ko na nagpapaganda ang mga babae para makatawag atensyon, O mag-ayos PARA sa boypren nila (noon, ganun ako – at least aminado). Hindi naman na sinasabi kong para patunayan lang ng mga “hardcore-feminists” na wag nang mag-ayos, magpostura, para i-contradict lang ang ganitong ideya. Hindi naman sa ganun. Kaso, eto ang nagiging agos ng ating kultura, nakakayamot mang isipin. Tingnan mo nalang ang mga commercials. Maganda ang buhok ng babae, maakit yun lalake. Magtataas ng kili-kili yun babae at nakitang divine ito, maiinlove na ang lalake. Kahit ako’y graduate at nagMajor in Advertising Arts, bwiset at pangasar ang mga ganitong klaseng commercial na para bumenta lang ginagamit ang ganitong negative na cultural standard. Pero well, ika nga sa rootword: Bumebenta. Syempre, maraming sawing babae, maiisip nilang pag ginawa nila at gamitin nila ito, magkakalablyf na sila. Hello?! Ibang kategorya nga ang artista at modelo ng commercial. Ang moral lesson dito sa tagpong ito? Wag magpaloko.
Mga Produktong Solusyon para Mapagaan ang Buhay.
Tingnan mo nalang ang mga Deo commercials, kahit na hindi na sila kapanipaniwala. Nakakaasar lang. Yun ngang isang brand noong high-school ako, todo-commercial talaga, at parang nagging patok sya.. pero nun naglaon, maraming na-dismaya. Nakakaitim lang daw ang Sec*ssshhhh*. At marami talagang nagsabi nyan. Ngilag nga ako sa halos lahat ng deo products. Simula pa noon. Bibili ako ng isang produkto pag hindi ko gusto, hindi ko na gagamitin at ididispatya ko na ito – kahit dalawa o tatlong bese ko lang ginamit. Kun meron man na pwedeng pagkatiwalaan, nagiisa lang sya – Magtawas na lang.
Baket ko sinasabi ito?
Ending
Hindi parin maiiwasang hindi tumingin sa kili-kili ng iba. Pero hanggat maari, bawasan nalang at maging conscious sa nakaka-ilang na mannerism na ito. Maging humanitarian naman paminsan-minsan.


