caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Post Item » Mas Madrama ang mga Lalake
Mas Madrama ang mga Lalake
June 19, 2009
Ito ang di ko maintindihan at nagiging sobrang coincidence talaga: lagi nalang akong napapaligiran ng mga lalakeng emotero. Simula pa nun kolehiyo.. karamihan ditto mga nagging crush ko, turned confidante, turned friend. Ganun ako ka-one of the boys (na malamang matagal-tagal at malabong magkabf in the near future dahil sa pattern ng aking buhay).Sila yung mga tipong A.) Mga iniwan ng mga ex at hindi pa maka-move one. Span ito ng ilang months to one year simula ng nakipagbreak o nawala ang babae sa eksena at; B) Mga in-love sa mga taong ayaw suklian ang kanilang emosyon. Example: pa-demure na “Ayokong masira ang friendship naten” O ang mas brutal na “talagang di kita type… sorry.” Nag sorry pa. Pero Typical and most common scenarios.
At Baket Kanyo?
Marahil maraming kokontra sa title ng blog ko. Ihahalimbawa pa nila ang mga babaeng humahandusay sa kalsada. Mga babaeng pagkainiwan ng boypren eh kulang ang isang drum paginipon mo ang kanyang luha. Na Tipong kulang nalang i-record nalang ang pagddrama nya kasi nun isang buwan pa nya ito linya (nakataas ang kamay ko dahil guilty ako dyan). Kaya eto. ETO mismo ang rason kung baket sinasabi kong mas madrama ang mga lalake. Dahil wala kang makikitang ganyang mga episodes mula sa kanila.. wala dahil lahat ng ito ay patago. Patago at kun may makakausap sila. Lalabas lang ang lahat ng kanilang mga nararamdaman, hindi mo pa halata kasi idinadaan sa jokes, sa pasakalye, at sa mga paraang walang kinalaman. Madalas pag direchohin mo pa ng tanong di ka pa sasagutin… Ma-pride. Hmm, hindi ako sa nanlalaglag sa mga kaibigan ko nor hindi ako nagrereklamo. I feel priviledged in fact na pinagkakatiwalaan nila ako sa mga hinaing nila, at dahil nga ako‘y itinuturing na nilang kaibigan talaga (masakit un sa una dahil crush ko nga diba, tapos kwentuhan ka ng love-life nya? Na parang gusto mong sabunutan yun gurla of his life at sabihing, “Hibang ka ba! Baket mo sya pinaiiyak, kung ako lang sana….”etc etc – theme song: Halaga ng PNE….Hay, nasanay nako dyan. Kaya ang transition from crush to tropapips.. hindi na iba sa ken. No name droppings nalang kahit walang nagbabasa ng blog ko para naman walang basagan. Hahaha!)
Pogi points
Bawas pogi points daw pag umiyak. Bawas pogi points ang pagddrama. Pero may kilala akong inuntog nya ang ulo nya sa gate ng bahay nila ng gusting makipaghiwalay ng girlfriend nya. Meron ding uminom ng isang boteng pills na pang high-blood (na-ICU lang naman sya at pinump ang tyan-awa ng Dyos, buhay pa sya ngayon). Basagan ng cellphone at PSP. Mga ganun lang, ordinaryong drama. Hindi ko alam ang mga kategorya ng mga dagdag pogi points nayan o kun anu ang pwede nilang ituring na kabaklaan (no pun intended dyan). Pero cge nga kung ang pagiyak ay menos pogi points, panu naman mailalabas ang hinanakit? Kaya mas nagiging, madrama kasi para silang beaver dam. Iniimbak lahat sa loob, kaya pagnagrelease isang bonggang bonggang pasabog – tipong inuuntog nga ang ulo sa gate. May iba pa suicidal tendency (pakshyet, panu mo ba yun naging bf in the first place?! Creepy. Kaya ako ang criteria ko mas matino saken kasi baliw na ko. Pagparehas pa kaming baliw, paanu na?)
Ano sa Tingin mo?
May sarili akong pananaw dito. Hindi ko ito nakikitang kahinaan. Ang saken lang, im proud na mga kaibigan ko sila. Tao lang na nabubuhay, nasasaktan, umiibig. Siguro ganun talaga, syempre kun sino ang naiwan sa ere, sila yun hirap humarap ng realidad. Siguro nasasabi ko ito dahl karamihan sa kaibigan kong nasa ganitong sitwasyon eh lalake.
Tamang timing din siguro na ako naman ay chill lang sa life.
Masayang kahit paminsan minsan panatag lang at walang iniindang sama ng loob…
Kaya ko siguro ito nasasabi.
(hipokrito).
Previous Comments
hayy.. OO madrama talaga. pero lahat naman ata.. kanila lang ang award kasi kunwaring mas pa-demure lang ang mga yan. hahaha *APIR*
Posted by jnienna at June 19, 2009, 6:38 pm


tama ka sa iyong mga tinuran sa kadramahan ng mga lalake… ganyan din ang obserbasyon ko sa kanila.
ang babae, iiyak lang yan… ang lalake hindi nga iiyak, pero oras na mapuno na - ay sows, katakot…
dumadalaw-dalaw na ako sa blog mo. at nagbabasa. ehehehe… nagtatagalog ka na kasi, e… nosebleed talaga ako sa english… hay, nakakahiya…
Posted by xdalisayx at June 19, 2009, 6:34 pm