caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Post Item » Mga Nakaw na Sandali: Kwentong Kili-Kili
Mga Nakaw na Sandali: Kwentong Kili-Kili
June 19, 2009
Absent ako kahapon. Kaya hindi ko ito naisulat.
————————————————————–
June 17 ‘09
11:59 pm (promise sakto yan)
Sa totoo lang inaantok na ako. Napakagulo pa ng aking kwarto na animong
Tanong lang. Sumagi naba sa utak mo ang mannerism na ito: ang panakaw na tingin sa kili kili ng isang babae? Di mo man aminin pero alam kong ginagawa mo nay an, at hinuhusgahan kung anu mang Makita mo. Tipong may babaeng nakasleeveless sa harap mo, kausap o kasakay mo lang sa jeep, sa sandaling magtaas ng kamay para magtali ng buhok o kumapit sa estribo, may isang segundong sasaglit ang mata mo para Makita kung anung klaseng kili-kili meron sya. At sa isang segundo nayun, madalas uulitin pa pag di nakuntento. Pasimpleng nakaw na sandali, halata naman. Oo ginawa ko nay an!
Divine: Pang artista lang
Ewan ko ba kung anu ang meron ditto. Ako tuwing makakakita ako ng napakakinis na kili-kili, siguradong naiingget ako – aminado naman akong hindi kasing kinis ng kanila ang sa aken.. Pero konting ingget lang. Nasa Ten commandments ba yung bawal maingget? Basta, konti lang ang ingget. Baket? Eto ang scenariong dahilan. Kanina, nakita ko sa Mini-Stop yun binebentang Cosmo, at nasa cover si Krisitine Hermosa na naka-classic pose: nakataas ang mga kamay, naka rest sa ulo, and her kili-kili for all to see. Hindi ko sinasabing maraming i-ne-edit sa kanya: napakagandang babae talaga nun. Pero in general, laging may i-ne-edit sina Art (isang tropa na nagtratrabaho sa publikasyon ng nasabing magasin). Di pwedeng walang i-edit. Sa lahat I think common knowledge na ito. Pero kahit ak ay isa nang graphic artist, hindi ako prepared sa aking nakitang mga before and after sa trabaho ni Art. Hayop talaga sa layo ng Raw Images from the photographer kumpara sa finish product ng nakadisplay cover. Ang mga taong tulad ni Art, kailangan ng medalya. Or pwede na rin ang tinatanggap nyang sweldo.
Mabalik tayo sa kili kili.
Talaga ngang siguro ay mapanghusga ang mga pinoy. Kumpara sa ibang lahi at sa kanilang mga kahibangan, karamihan talaga ng mga urbanized pinoy ay kinikritik ang mga kakaibang bagay na di alintana (sa totoo lang) ng mga puti. Halimbawa, pagbigkas ng tamang grammar, kun nag-sepilyo ka, may bumahing sa harap mo sabihan ka pang ‘Hindi ka naligo no?!’ at ang pagkakaron dapat ng isang divine na kili-kili.
Following the male-dictated cultural standard of beauty. NOT!
Ang mga tao hindi talaga kuntento. Pagmaputi sila, gusto nilang magpa-Tan. Pag medyo morena, gusto Pumuti. (Hindi ko sinasabing nagaayos ako ng sarili para mapansin. HINDI! Nag-mamakeup at nagaayos ako para sa sarili ko. Period. PERO.. talagang may mga nagpopostura para mapansin ng iba, makakuha ng atensyon - makakuha ng boypren.) Tulad nyan. Panu kung tulad kong hindi pinanganak na maputi? Sabay umaakyat pa ako ng bundok kaya naman talagang ako ay neg-neg na. Bahala sila, wala akong pakialam, at kung sabagay kahit kelan, wala akong paki-alam sa kulay ko. Sa totoo lang. Kahit nun may boypren pa ako (Oo nagkaron naman kahit pano, pero matagal nay un). Hindi ko alintanang mas “fair” ang kulay nya sa ken, o na mas matangos ang ilong nya. Ang hindi lang ikinapapanatag ng loob ko ay sa tuwing pinagdidiskitahan nya ang kili-kili ko. Kunot noo ako sa ilang pero mas lalo pa nya atang ikinatutuwa ito. Tinanong ko minsan kung baket at ang isinagot? Kasi daw ‘mabuhok’ daw yun kanya, kaya mangaasr pa pagminsang makalimutan kong mag-pluck. Amf ka talaga tenga (lolls hindi naman nya ito binabasa kaya ok lang. Saka bati na kami netong hinayupak na ito, kaya ok lang talaga). Ang kaadikang ito ng mga lalake ang talagang di ko maintindihan.
Minsan, magsusubok akong magsurvey.
Or Better yet- SA MGA LALAKENG NAKAPAGBASA NITO, MANGYARING MAGKOMENTO NG INYUNG OPINYON KUNG TALAGA ITO AY TOTOO O HAKAHAKA LANG NG ILAN.
Isang example lang yan. Hindi tuloy mai-alis sa utak ko na nagpapaganda ang mga babae para makatawag atensyon, O mag-ayos PARA sa boypren nila (noon, ganun ako – at least aminado). Hindi naman na sinasabi kong para patunayan lang ng mga “hardcore-feminists” na wag nang mag-ayos, magpostura, para i-contradict lang ang ganitong ideya. Hindi naman sa ganun. Kaso, eto ang nagiging agos ng ating kultura, nakakayamot mang isipin. Tingnan mo nalang ang mga commercials. Maganda ang buhok ng babae, maakit yun lalake. Magtataas ng kili-kili yun babae at nakitang divine ito, maiinlove na ang lalake. Kahit ako’y graduate at nagMajor in Advertising Arts, bwiset at pangasar ang mga ganitong klaseng commercial na para bumenta lang ginagamit ang ganitong negative na cultural standard. Pero well, ika nga sa rootword: Bumebenta. Syempre, maraming sawing babae, maiisip nilang pag ginawa nila at gamitin nila ito, magkakalablyf na sila. Hello?! Ibang kategorya nga ang artista at modelo ng commercial. Ang moral lesson dito sa tagpong ito? Wag magpaloko.
Mga Produktong Solusyon para Mapagaan ang Buhay.
Tingnan mo nalang ang mga Deo commercials, kahit na hindi na sila kapanipaniwala. Nakakaasar lang. Yun ngang isang brand noong high-school ako, todo-commercial talaga, at parang nagging patok sya.. pero nun naglaon, maraming na-dismaya. Nakakaitim lang daw ang Sec*ssshhhh*. At marami talagang nagsabi nyan. Ngilag nga ako sa halos lahat ng deo products. Simula pa noon. Bibili ako ng isang produkto pag hindi ko gusto, hindi ko na gagamitin at ididispatya ko na ito – kahit dalawa o tatlong bese ko lang ginamit. Kun meron man na pwedeng pagkatiwalaan, nagiisa lang sya – Magtawas na lang.
Baket ko sinasabi ito?
Ending
Hindi parin maiiwasang hindi tumingin sa kili-kili ng iba. Pero hanggat maari, bawasan nalang at maging conscious sa nakaka-ilang na mannerism na ito. Maging humanitarian naman paminsan-minsan.
Previous Comments
..buti nalang “divine” kilikili ko.. bahala na may mapapatingin..hahaha! aw.. (pero nakakilang nga talagang sumulyap sa kilikili ng isang tao…hindo ko take..)
Posted by char at February 24, 2010, 12:39 pmhahaha korek! Aminado akong maraming parte ng katawan ko ang hindi divine - feeling ko lalake ako kasi minsan feeling ko diretso katawan ko at nawawala ang balakang. pero keber nalang!
hmm, nde naman sa bitter ocampo ang blog na ito pero wala lang napansin ko lang naman. hehe.
kuro kuro
Posted by jnienna at February 24, 2010, 1:38 pmsa tutuo lang, ang kilikili is very attracive kung matambok at magilit. Kung maputi lang pero uka at makinis lag siya, walang dating. Pero kahit maitim, matambok at magilit - wow… cute ito
Posted by John Laude at July 11, 2010, 12:43 pmjust found this and this is great. ako mas tumitingin sa paa. hehehe! b
Posted by Glenhol at November 10, 2010, 2:36 pmIt takes some time to cultivate some friendship.
Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:29 am


Ahaha. Kuhang-kuha mo! Sang-ayon na sang-ayon ako sa dami ng sinabi mo rito.
Tsk. Kainis. Sana talaga, naging lalake na lang ako. Daming requirement sa babae. Ganun? Hehe.
Ako rin. Tinitingnan ko rin kilikili ng mga babae - kung “divine”. Natawa ako. Talgang “divine” ang word mo. Ehehe. Tinamaan ako nung banggitin mo ang tungkol dito. Sige, tama ka. Babawasan ko na iyan. Akala mo kung sino akong perpektong tao.
Wag na lang dapat masyadong mag-expect ang kalalakihan. Talaga naman kasing kalokohan ang mga patalastas at produkto na iyan. Wag tayong mag-ilusyon. Ang mga artista, mga model na yan, tanggalan mo ng make-up, katulad din natin silang tao. Hindi sila “divine.” Nyahaha.
Posted by xdalisayx at July 29, 2009, 6:23 pm