caught between the sliver of reality and dreams...
But my foot is stuck in the dragon's mouth.
Cos this is my Rant Page and there's nothing you could do about it.
Home » Post Item » Layag
Layag
October 13, 2009Anu nga ba ang pakiramdam kung sakaling natanto mo na sa isang iglap, hindi mo na kailangang intindihin at isipin ang nagpapabigat sa kalooban mo?
Parang isang layag.
Sa isang iglap, nawala ang batong nagpipigil para makaandar ang bangka mo. Naging malaya ang layag.
Hindi ko sinasabing lubos ang kasiyahan ko sa nangyaring ito. May mga taong nawala, mga bagay na hindi ko na mababalikan na minsa’y naging centro ng buhay ko - ang pagakyat ng bundok. Marahil naging makasaysayan ang petsang iyon, ang pagdating ni Ondoy, at ang akyat na iyon ay naging hudyat para makita ko ang talagang kailangan kong gawin sa buhay ko. Tama nang binigyan kong tuldok ang baga ng aking pamumundok… sa lakas ng hangin at ulan noong gabing iyon, namatay sa Balingkilat ang bagang iyon. Hindi ko maintindihan pero akma na sigurong ang Balingkilat na ang aking tuldok. Napapanahon.
Mahirap.
Masaya.
Nakakabaliw.
Nakakalungkot.
Ika nga ng isang dating kaibigan, makikilala mo nga sa bundok ang mga totoong ugali ng mga tao. Tama sya.. pero sa lupa din lumalabas kung anu nga ba ang ugaling iyon.
Hindi ko makakalimutan ang bawat yugto ng buhay ko sa pagakyat. Ang mga lugar, mga nakilala, mga naging kaibigan.. umukit na sila diwa ko. Pero may mga bagay na hanggang dun nalang ang kanilang pamamalagi. Paminsan minsan, namumulat din ang ating mga mata sa mga bagay-bagay na dapat nang iwanan at talikuran.


